Wednesday, April 7, 2010

1:47 AM


Mahirap talagang
magmahal ng sobra-sobra

Mahirap isaalang-alang ang kasiyahan
sa isang tao lamang

Dahil kapag iniwan ka
wala ng matitira para Sayo

Maiiwan kang nag-iisa
at walang kasama

Paano pipiliting ngumiti
sa kabila ng sakit?

Bakit kailangan pang magpanggap?
para saan pa e, wala ka ng inspirasyon?

Gaano katatag ang salitang
HINDI KITA IIWAN?

Hanggang saan kayang
panindigan ang isang pangakong binitawan?

Hanggang saan maghihintay
ang pusong nagdaramdam?

Hindi ba't makatarungang
bumitaw pag hindi ka na masaya?

Ngayon iiyak ka nalang
dahil hindi mo alam ang gagawin

Darating ang sandaling
mararamdaman mo ang lahat ng klase ng lungkot

Para bang nawalan ka ng
gana makita ang mundo sa labas ng kwarto

Nawalan ng inspirasyon
para mabuhay at maibalik ang dating saya

Hihilingin na sana dingin nang oras ang panalangin
na mapabilis ang araw at maghilom kaagad ang sugat

Upang mabuhay ka ulit
pagkatapos mong mamatay

No comments:

Post a Comment